Aso iniharap sa pagdinig ng Kamara
MANILA, Philippines - Iniharap sa pagdinig ng Kamara ang isang aso na umanoy pinagmalupitan ng kapitbahay ng nag aalaga sa kanya.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ang asong si Wacko ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na wala rin ang ibabaw ang bibig tulad ni Kabang.
Kung si Kabang na nawalan ng ibabaw ng bibig dahil sa aksidente, si Wacko naman ay sa pagmamaltrato ng mga lasing nitong kapitbahay.
Sa pagprisinta kay Wacko, ipinakikita ng PAWS at ng aktres na si Carla Abellana ang kahalagahan na maamyendahan ang House Bill 5849 o ang Animal Welfare Act upang maatasan ang parusa sa mga nag-mamaltrato ng hayop. Nais ng PAWS na maitaas sa anim na taon hanggang 16 taon ang kulong para seryosihin ng publiko ang batas, dahil sa kasalukuya ay napakababa ng parusa na P5000 at 6 na buwan hanggang 2 taon lang ang pagkakulong.
- Latest