^

Police Metro

Telcos kayang i-refund ang sobrang singil sa text

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaya umano ng mga telecommunications companies tulad ng Smart, Globe at iba pa na ma-refund ang sobrang singil nito na 20 sentimos sa kada P1 text ng kanilang mga customers na gumagamit ng prepaid at postpaid, simula noong Disyembre 1, 2011 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay National Telecommunications Com­mission (NTC) Director Edgardo Cabarrios, para sa mga  prepaid subscri­bers ay ipapasok lang ang refund sa numero ng mga customer, habang iti-trace naman ang pangalan ng mga postpaid subscribers para maipasok sa kanilang account ang refund.
“Sa mga prepaid subscri­bers po kasi hindi po identified ‘yung mga may-ari ng prepaid, iki-credit po sa numero, sa sim card ‘yung sobrang singil. Pero ‘yung sa postpaid po kasi kilala ‘yung may-ari, madali pong i-refund ‘yun.”dagdag ni Cabarrios.
Binanggit din nito na ang pagsosoli ng sobrang 20  centavos na singil kada text ay hindi dapat maapektuhan ang unlimited services ng telcos.

Una nang ipinag-utos ng NTC ang refund ng telcos sa kanilang mga costumer matapos umanong hindi sumunod ang mga ito  pagbaba ng interconnection charges simula noong isang taon.

Kaya ay aabutin na lamang sa 80 sentimos ang halaga ng kada text.

AYON

BINANGGIT

CABARRIOS

DIRECTOR EDGARDO CABARRIOS

DISYEMBRE

KAYA

LSQUO

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COM

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with