^

Police Metro

Benepisyo ng mga kawani ng isang lungsod hindi na matatanggap

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y pag­kakautang ng isang lungsod nang mahigit dalawang bilyong piso ay hindi matatanggap ng mga kawani ang ilang benepisyo.

Ayon sa hinaing ng maraming kawani na hindi na nila natatanggap ang ilan nilang benepisyo tulad ng clothing allowance dahil lubog na umano sa utang ang kanilang lungsod dahil utang na  tinatayang aabot sa P2.9 bilyon.

Nabatid na nagamit umano ng pulitiko ang nasabing pera sa mga kasong kinakaharap nito sa Office of the Ombudsman na aabot sa 99 kaso at ang apat dito ay isinasailalim sa  preliminary investigation at iniimbestigahan din ng Commission On Audit (COA).

Napag-alaman na ang mga  kasong anti-graft  and corruption practices ang kinakaharap ng pulitiko na isinampa ng dating head ng Bids and Award Committee Secretariat at self-confessed “bagman” dahil umano sa maanomalyang bidding at transaksiyon  sa mga proyekto ng lungsod na nagkakahalaga ng P1.2 bilyon simula noong taong 2007.

Kinasuhan din nito ang 15 opisyales ng lung­­­sod matapos itong mag­sumite ng supplemen­tal affidavit noong Miyer­kules sa Office of the Om­budsman.

vuukle comment

AYON

BIDS AND AWARD COMMITTEE SECRETARIAT

COMMISSION ON AUDIT

DAHIL

KINASUHAN

MIYER

OFFICE OF THE OM

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with