Pagdidikit ng ICC sticker sa Caloocan
MANILA, Philippines - Ang pagdidikit ng Import Commodity Certification (ICC) sticker sa mga ginagamit na helmet ng mga motorcycle riders ay isang handog na proyekto ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa kanyang kaarawan.
Ayon kay Echiverri, sa pamamagitan nito ay hindi na mahihirapan ang mga residente ng lungsod na magtungo sa mga lugar na itinalaga ng Department of Trade and Industry (DTI) para lamang malagyan ng ICC sticker ang kanilang mga helmet.
Sinimulan ang programa dakong alas-9:00 ng umaga noong Sabado at natapos bandang alas-4:00 ng hapon nang parehas na araw kung saan ay tinatayang aabot sa tatlong libong motorcycle riders ang nalagyan ng ICC stickers ang mga helmet.
- Latest