Trak bumaliktad: 4 todas, 7 sugatan
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang apat na katao habang pito ang nasugatan matapos ang kanilang sinasakyang trak na may kargang mga palay ay bumaliktad kamakalawa sa highway ng Barotac Viejo, Iloilo.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Raul dela Cruz, 45; Franklin Jamilarin, 18; Jose Penaflorida at Richard Consumo Jr., 28.
Nilalapatan naman ng lunas sa Dramon Tugbong Medical Center at Barotac Viejo District Hospital ang mga nasugatang sina Delmar Allanza, 19; Jonil dela Cruz, 19; Rolando Doquila, 45; Franklee Jamelarin, 16; Tito Basios; Joey Casipe, 16 at Jonel Casipe.
Batay sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi ay binabagtas ng six wheeler truck (FLD 904) na nakarehisto kay Rey Grabato ang highway ng Brgy. Puerto Princesa nang umano ay mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.
Nawalan umano ng preno ang trak dahilan upang ito ay bumaliktad.
- Latest