Manager ng Aman hawak ng NBI
MANILA, Philippines - Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpakilalang financial manager ng Aman Futures Group na si Donna Coyme.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima na handa si Coyme na ilantad ang modus operandi sa kontrobersiyal na pyramid scam na nakapanloko ng P12-B mula sa mga investor sa Visayas at Mindanao.
Pinag-aaralan na rin ang affidavit ni Coyme upang matukoy kung maaari itong isailalim sa Witness Protection Program ng pamahalaan para magamit na testigo laban sa mastermind sa pyramiding scam.
Sinabi ni Coyme na nagkakahalaga umano ng P500-M ang puhunan ng mga investor na dumaan sa kanyang kamay.
Inamin ng nasabing financial manager na dati siyang tutor ng mga anak ng isa sa mga opisyal ng Aman Future na si Fernando Luna at siya din ang naglalabas ng tseke mula sa Aman Futures at nag-aayos ng records ng mga mamumuhunan.
Samantala, pinahaharang na rin ni De Lima ang mga kayamanan ng dalawang lider ng Aman Futures Philippines Inc. at Coco Rasuman Group na sina Manuel Amalilio at Coco Rasuman upang hindi magalaw na kung saan ngayong Linggo ay maisasampa na sa husgado ang mga kaso.
- Latest