Nalo sa bilyar, tinusok ng tako
MANILA, Philippines - Isang taxi driver ang nasa kritikal na kondisyon makaraang tusukin ng pinutol na tako ng lalaking tinalo nito sa bilyar, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Ang biktima na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan ay kinilalang si Jonas Olarte, 56, driver ng Pollane taxi habang agad naaresto ng pulisya ang suspek na si Jonathan Pedro, 26-anyos, kapwa driver.
Sa ulat ng Caloocan Police, naglalaro ng bilyar ang dalawa malapit sa garahe ng kanilang kumpanya ng taxi sa may Tullahan Road nang magkaasaran ang mga ito nang matalo ang suspek.
Sa init ng ulo, pinalo ng tako ng suspek si Olarte sanhi upang maputol ito. Hindi pa nakuntento, tinusok sa katawan ni Pedro ang biktma ng matulis na dulo ng tako.
- Latest