^

Police Metro

Army troopears vs NPA rebels… Bakbakan: 12 todas, 16 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa muling pagsasa­gupa ng tropa ng pamahalaan at NPA rebels ay nasawi ang pitong sundalo at limang re­belde habang nasugatan ang 16 iba pa kahapon ng umaga sa Brgy. Mabayad, San Guillermo, Isabela.

Pansamantalang hindi muna tinukoy ni Army Acting Spokesman Col. Cirilito Sobejana ang pag­kakakilanlan ng mga nasawing sundalo dahilan kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.

Habang ang mga nasugatan sa panig ng tropa ng militar ay mabilis namang isinugod sa pagamutan sa Cauayan City, Isabela  para malapatan ng lunas.

Batay sa ulat, ng Army’s 502nd Infantry Brigade, bandang alas-5:00 ng umaga nang paulanan  ng bala ng tinatayang 30 mga armadong rebelde mula sa Benito Tesorio Command ang tropa ng Army’s 52nd Division Reconnaissance Company sa pamumuno ni 2nd Lt. Torre Palma sa Brgy.Mabayad, San Guillermo malapit sa bayan ng Echa­gue.

Bago ang matinding bakbakan sa San Guil­lermo ay sinabi ni Sobejana na nakasagupa rin ng 51st Reconnaissance Company ang grupo ng mga rebelde sa Brgy. Ganalan, San Mariano bagaman wala namang naiulat na nasawi at nasugatan sa insidente.

Nagawa namang ma­katangay ng mga armas ang mga rebelde at  patuloy pa rin inaalam kung anu-anong armas ang nakuha ng mga rebelde sa encounter site.

Pinabulaanan naman ni Sobejana ang pahayag ng Benito Tesorio Command na sumurender sa kanila ang mga nasuga­tang tropa ng militar na umano’y binigyan pa ng first aid sa encounter site sa pagsasabing isa lamang itong uri ng black propaganda.

 

ARMY ACTING SPOKESMAN COL

BENITO TESORIO COMMAND

BRGY

CAUAYAN CITY

CIRILITO SOBEJANA

DIVISION RECONNAISSANCE COMPANY

INFANTRY BRIGADE

ISABELA

SAN GUILLERMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with