^

Police Metro

2 todas,1 missing sa LPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniulat ng National Di­saster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon na may dalawang katao ang nasawi habang isa ang nawawala sanhi ng mga pagbaha sa mga malalakas na pag-ulan na ibinuhos ng Low Pressure Area (LPA) na nakakaapekto ngayon sa Mindanao.

Kinilala ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos ang mga nasawing biktima na kapwa nalunod na sina Zosito Andamon, 28 ng Digos City  at Rue­lyn  Aling, 22 ng Sta. Cruz; pawang sa Davao del Sur.

Patuloy namang pinag­hahanap ang nawawalang biktima na si Arjay Javier, 17 ng Makilala, North Co­tabato na tinangay  ng malakas na  agos ng tubig baha matapos na tumalon sa ilog bunga ng kalasi­ngan.

Naiulat rin ang mga pagbaha sa lalawigan ng Lanao del Sur, Zambo­anga del Sur, Sultan Kudarat at Maguindanao.

Kabilang sa mga binaha ay ang 8 Barangay sa bayan ng Imelda, Zamboanga, Sibugay kung saan umaabot sa 250 pamilya ang naapektuhan matapos na umapaw ang tubig sa Sibugay Valley River.

Naitala naman na sam­pung barangay ang bi­naha sa Sultan Kudarat, Maguindanao at nasa 11 barangay sa Balabagan, Lanao del Sur na umabot sa hanggang baywang ang tubig baha sanhi naman ng pag-apaw ng tubig sa ilog ng Nituan at Simuay habang malakas rin ang mga paghangin.

Patuloy naman ang pa­mamahagi ng relief goods sa mga residenteng naapektuhan ng mga pagbaha.

ARJAY JAVIER

DIGOS CITY

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

LANAO

LOW PRESSURE AREA

MAGUINDANAO

NATIONAL DI

SHY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with