UST coed nahulog sa ika-4 palapag ng gusali ng campus
MANILA, Philippines - Pagkalipas ng 5 oras na nakikipaglaban sa kamatayan ay tuluyan nang binawian ng buhay ang isang 19-anyos na biologist UST student na umano ay nahulog mula sa ika-4 palapag ng main building ng unibersidad kamakalawa sa Sampaloc, Maynila.
Ang nasawi ay kinilalang si Jonah Ortiz, 19, na nagkabali-bali ang buto sa pagbagsak nito sa sementadong bakuran ng campus.
Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ay nakarinig ng malakas na kalabog mula sa main building sa kaliwang bahagi ng campus ang ilang propesor ng civil law at mga estudyante.
Hindi ito agad naipaalam sa pulisya kaya’t huli na nang malaman na may naganap na insidente.
Ang biktima ay namatay dakong alas-7:40 ng gabi.
- Latest