^

Police Metro

MPDPC Cup hahataw sa SLLP

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon isang pakarera ang inihandog ng Philippine Racing Commission (Philracom) para sa pamunuan ng Manila Police District Press Corps (MP­DPC) sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.

Ang MPDPC Cup ay isinabay sa malaking pakarera ng Philracom na Ambasador Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. Cup na gaganapin sa araw ng Lingo (Nov. 18.) sa SLLP.

Sa tulong nina Philracom Chairman Angel Castaño Jr., at Racing Director Comm. Jesus Cantos, ang MPDPC Cup ay inilunsad upang makapangalap ng pondo para sa mga proyekto ng samahan ng mga mamamahayag na nagko-cover sa lungsod ng Maynila.

Napapaloob sa mga programa ng MPDPC ang medical mission, feeding program at scholarship para sa mga miyembro ng mga mamamahayag na walang kakayahan na magkapagpaaral sa kolehiyo ng kanilang mga anak.

Ito rin ang kauna-unahang samahan ng mga mama­mahayag na nabigyan ng pakarera ni Castaño na isina­bay pa sa Danding Cojuangco Cup na itinuturing na mahalagang pangyayari sa kanyang panunungkulan bi­lang chairman ng komisyon.

Si Castaño na dating chairman ng Board of steward sa panahon ng panunungkulan ni  Amb. Danding Cojuangco sa Philracom na naging  chairman ng komisyon.

 

AMBASADOR EDUARDO

COJUANGCO JR. CUP

DANDING COJUANGCO

DANDING COJUANGCO CUP

JESUS CANTOS

MANILA POLICE DISTRICT PRESS CORPS

PHILIPPINE RACING COMMISSION

PHILRACOM

PHILRACOM CHAIRMAN ANGEL CASTA

RACING DIRECTOR COMM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with