^

Police Metro

Ginang tinangay ng agos nalunod

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalunod ang isang 26-anyos na ginang na si Rosemarie Obregon, residente ng Brgy. Obial ng Kalamansig, Sultan Kudarat matapos itong tangayin ng malakas na agos ng tubig sa ilog habang naliligo kasama ang anak sa isang liblib na lugar sa nasabing bayan kamakalawa.

Batay sa ulat ng Natio­nal Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang alas-3:00 ng hapon habang naliligo ang ginang kasama ang anak nang biglang tangayin ito ng malakas na agos.

Inireport ng nakaligtas na anak sa kaniyang ama ang insidente na agad  nagsagawa ng search and rescue operation, subalit patay na ang biktima nang matagpuan matapos ang isang oras na paghahanap at napadpad sa Tipudos Bridge sa Brgy. Obial, Kalamansig ng lalawigan.

Nabatid na hindi umano marunong lumangoy ang ginang na posibleng sa katuwaang magtampisaw sa paliligo ay napadpad sa malalim na bahagi ng ilog.

 

BATAY

BRGY

DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

INIREPORT

KALAMANSIG

NABATID

OBIAL

ROSEMARIE OBREGON

SULTAN KUDARAT

TIPUDOS BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with