^

Police Metro

2 kidnaper na killer arestado

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasakote ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang  dalawang lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng kidnap for ransom gang (KFRG) at sangkot din sa Lapuyan massacre sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon sa Pagadian City.

Kinilala ni Army’s 1st Infantry Division (ID) Spokesman Major Alberto Caber ang mga nasakoteng suspek na sina Montasser Mangoda Ratarta alyas Totongan at Rachmodin Vel Andi alyas Den.

Ang mga suspek ay pawang sangkot sa  kidnapping for ramsom ng mga mayayamang negosyante sa Zamboanga Peninsula, pamamaslang sa anim katao sa naganap na massacre sa Brgy. Lapuyan ng nasabing lalawigan noong nakalipas na Pebrero na nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Army’s 53rd Infantry Battalion at ng Pagadian City Police nitong Huwebes bandang alas-4:00 ng hapon.

Ang dalawang suspek ay mga tauhan ng notoryus na lider ng KFR gang ng mag-amang Amie Andi at anak nitong si Amer.

 

vuukle comment

AMIE ANDI

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

LAPUYAN

MONTASSER MANGODA RATARTA

PAGADIAN CITY

PAGADIAN CITY POLICE

RACHMODIN VEL ANDI

SPOKESMAN MAJOR ALBERTO CABER

ZAMBOANGA PENINSULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with