^

Police Metro

Pamilya Barrameda nagpasaklolo sa DOJ

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpasaklolo kahapon ang pamilya Barrameda sa pangunguna ng aktres na si Rochelle upang bumilis ang pag-usad ng kaso sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ruby Rose nang maaresto kamakalawa ang isang suspek.

Nagtungo sa DOJ ang pamilya Barrameda at personal silang nagpasaklolo kay Justice Secretary Leila de Lima para sa pag-usad ng kaso ng kanyang kapatid.

Dahil sa writ of preliminary injunction na ipinalabas ng Court of Appeals, napigil ang pagdinig  sa kaso sa Malabon Regional Trial Court.

Naniniwala  ang aktres na makakagawa ng aksyon ang kalihim para hindi masayang ang pagkakaaresto sa suspek na si Robert Ponce.

Matatandaang Pebrero ng taong ito nang suspindehin ng CA ang pagdinig sa kaso ni Ruby Rose makaraan nitong paboran ang petisyong inihain ng isa sa mga akusado na si Manuel Jimenez, Jr., biyenan ng biktima, na humihiling na mag-inhibit sa kaso si Malabon City Judge Zaldy Docena.

Tiniyak naman ni De Lima na pag-aaralan niya ang kaso ni Ruby Rose, at maging ang posibilidad na mapasailalim si Robert Ponce sa witness protection program para makatulong sa paglutas ng kaso.

 

BARRAMEDA

COURT OF APPEALS

DE LIMA

JUSTICE SECRETARY LEILA

KASO

MALABON CITY JUDGE ZALDY DOCENA

MALABON REGIONAL TRIAL COURT

MANUEL JIMENEZ

ROBERT PONCE

RUBY ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with