^

Police Metro

Tserman at kagawad todas sa nakamotor

Angie dela Cruz, , Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ng mga suspek na nakamotorsiklo ang isang barangay chairman at kagawad sa magkahiwalay na pamamaril sa Caloocan City at Pasay City.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang  si Barangay 67 Chairman El Rey Magat, 26, ng P. Gomez St., Caloocan City

Batay sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon noong Huwebes sa Florencia St., ay pinapasada ng biktima ang kanyang tricycle nang sumulpot ang isang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang suspek at agad na pinagbabaril ang biktima at agad tumakas ang mga suspek.

Sa Pasay City, binaril at napatay ang isang barangay kagawad  habang nasugatan ang dalawang kasama nito nang sila ay pagbabarilin ng ri­ding in trio kahapon ng madaling-araw.

Ang nasawi na bukod sa kagawad ay supplier din ng “dressed chicken” sa palengke ay kinilalang si Efren Albao, 42-anyos.

Malubhang nasuga­tan naman ang dalawang pahinante nito na sina Ludegario Albao, 23 at Reniel Ecleto.

Batay sa ulat, dakong alas-4:40 ng madaling araw sa likod ng Pasay City Market and Mall sa Galvez Street ay nasa loob ng Mitsubishi L-300 delivery van ang tatlong biktima matapos makapag-deliber ng manok nang lapitan ng tatlong salarin na magkaka-angkas sa isang motorsiklo at pinagbabaril.

Agad namang isinugod sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead- on-arrival si Albao.

Dalawang anggulo ng motibo ang tinutukan ng pulisya, una ay pagi­ging campaign manager ng biktima sa isang pulitiko at ikalawa ay sa negosyo.

 

vuukle comment

BATAY

CALOOCAN CITY

CHAIRMAN EL REY MAGAT

EFREN ALBAO

FLORENCIA ST.

GALVEZ STREET

GOMEZ ST.

LUDEGARIO ALBAO

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MITSUBISHI L

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with