Ambush: 1 sundalo todas, 2 sugatan
MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang grupo ng mga sundalo na ikinasawi ng isa sa mga ito habang dalawa ang nasugatan sa kahabaan ng circumferential road, Brgy. Amaloy, Tipo-Tipo, Basilan kamakalawa.
Ang nasawing sundalo ay kinilalang si Pfc Jalil Ahung, isang Ustadz ng Muslim. Habang nasugatan naman sina Sgt. Abdulnander Bakil at Cpl. Jaime Dugasan; pawang mga kasamahan ng nasawing biktima sa 55th Engineering Battalion.
Batay sa ulat, ni Army’s 1st Infantry Division (ID) Spokesman Captain Alberto Caber, bandang alas-3:00 ng hapon habang pauwi na ang mga sundalo sa kanilang himpilan sa Brgy. Camalig, Unkaya Pukan, Basilan mula sa ginagawa nilang proyektong pang-komunidad sa bayan ng Tipo-Tipo nang paulanan ng bala ng mga bandido sa nasabing lugar.
Kinondena naman ng liderato ng Philippine Army ang insidente dahilan tumutulong sa mga proyekto ng mahihirap na komunidad tulad ng paggawa ng mga silid aralan, kalsada, tulay at gusali ang Army Engineer alinsunod sa Internal Peace Security Plan (IPSP) Bayanihan ng AFP.
- Latest