4 sundalo minasaker Ng NPAs
MANILA, Philippines - Hinarang muna ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang 4 na sundalong miyembro ng Peace and Development Team at pagkatapos ay pinagbabaril naganap kamakalawa sa Paquibato District, Davao City.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina PFCs Ahian Vir Dolero; Marvin Lauronal; Noel Sigan at Private Marcelo Himaya na una ng idineklarang nawawala hanggang sa matagpuan ang bangkay nito sa Pulang Bagani Command di kalayuan sa lugar matapos pagbabarilin.
Sa ulat na nakarating Army’s 10th Infantry Division (ID) Spokesperson Lt. Col. Lyndon Paniza, bandang alas-5:30 ng hapon habang pauwi na sa himpilan ng 60th Infantry Battalion (IB) Peace and Development Team ang apat na sundalo lulan ng motorsiklo galing sa pamamalengke nang harangin sila ng mga armadong rebelde sa Sitio Cinco, Brgy. Mapula, Paquibato District, Davao City at agad na niratrat.
Nang bumagsak na ang mga sundalo ay muli itong binistay ng bala upang makasigurong patay na ang mga biktima saka mabilis na nagsitakas.
Nabatid na iniwan ng mga sundalo ang kanilang armas at nakasibilyan lang sa pag-aakalang hindi sila gagalawin at irerespeto ng mga rebelde ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law dahilan wala sa combat ang nasabing enlisted personnel.
- Latest