^

Police Metro

Mag-ingat sa noche buena products – FDA

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA. Philippines - Nagpalabas ng babala ang Food and Drug Ad­mi­nistration (FDA) sa publiko na mag-ingat at ma­­ging mapanuri sa pagbili ng mga handa sa noche buena ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.

Ayon kay FDA director Nazarita Tacandong, partikular na ingatan ng mga mamimili ang mga produktong walang label, at kung may label man huwag kalimutan na suriin ang expiration date.

Ingatan din umano ang mga canned goods na may yupi dahil maaring pinasok na aniya ito ng bakterya na maaring makasama sa kalusugan.

Patuloy din ang babala ng FDA sa publiko na huwag bilhin ang anim na Korean noodles na una ng pinababawi dahil sa taglay nitong chemicals na maaring magdulot ng kanser sa sinumang kumain nito.

vuukle comment

AYON

DRUG AD

FDA

INGATAN

KAPASKUHAN

NAGPALABAS

NAZARITA TACANDONG

PATULOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with