^

Police Metro

Pangakong pag-atras ng Batangas Mayor hindi tinupad

Pang-masa

MANILA. Philippines - Nagbigay kamakailan ng panayam si incumbent San Pascual, Batangas Mayor Antonio “Tony” Dimayuga sa isang television na hindi na siya tatakbo sa pagka-alkalde matapos sabay silang maghain ng kanyang asawa na si Brenda ng kanilang certificate of candidacy para sa iisang posisyon na alkalde.

Subalit hindi naman niya ito tinupad kung kaya’t tinuligsa ito ni Kilusan ng Kabataan para sa Kinabukasan Secretary General Tesa Cuevas na hindi ito mapagkakatiwalaan dahil ito umano marunong ‘di tumupad sa mga binitawang salita.

“Kung magbibitaw ng isang salita sa kampanya niya maniniwala pa ba tayo? Hindi na. Mga pa­ngako ni Mayor Dimayuga, paano natin papaniwalaan kung ang simpleng pangako na hindi pagtakbo ay hindi matupad?” wika ni Cuevas.

Sa panayam ilang araw matapos maghain ng kanyang COC at ang kanyang asawa, sinabi ni Dimayuga na hindi na siya tatakbo.

“Sa Lunes o sa dara­ting na araw iwiwidraw ko na. Kasi mahirap na, I am withdrawing from re-election,” pahayag ni Dimayuga sa panayam ng ABS-CBN.

Kasabay nito, pinuri ni Cuevas ang isinampang disqualification case laban sa mag-asawang Dimayuga na hangad ang ikaapat na sunod na termino, at misis na  Ma. Brenda Kenrick, alyas Ma. Brenda Dimayuga, na tumatakbo na hindi gamit ang tunay na pangalan.

Nahaharap sa disqualification case si Dimayuga, matapos mapag-alamang ito na ang ika-apat nitong sunod na termino sakaling muling tumakbo at manalo.

BATANGAS MAYOR ANTONIO

BRENDA DIMAYUGA

BRENDA KENRICK

CUEVAS

DIMAYUGA

KINABUKASAN SECRETARY GENERAL TESA CUEVAS

MAYOR DIMAYUGA

SA LUNES

SAN PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with