^

Police Metro

Cebu Pacific na bomb threat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nahintakutan ang mga pasahero ng Cebu Pacific matapos na isang hindi nagpakilalang texter ang magpadala ng mensahe hinggil sa mga bomba na karga ng dalawang eroplano na sasabog anu­mang oras sa Bancasi airport, Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng alas-2:00 ng hapon.

Lumalabas sa imbestigasyon, nakatanggap ng text message si Engineer Maria Palo, pinuno ng control tower ng Bancasi airport hinggil sa bomba umano na nasa loob ng isa sa mga bagahe ng Cebu Pacific Flights 5J 224 at 5J 788.

Nabatid na kasaluku­yang magta-takeoff na ang nasabing mga eroplano na biyaheng Cebu (5J 224) at Maynila (5J 788) nang pigilan itong lumipad ng Aviation Security Group at pababain muna ang mga pasahero.

Agad namang inins­peksyon ng mga ope­ratiba ng Explosive Ordnance Disposal Teams ng Butuan City Police Office at Army’s 402nd Infantry Brigade ng Philippine Army bitbit ang mga K 9 dogs ang mga bagahe at mga kargamento ng naturang mga eroplano.

Matapos ang masu­sing pag-iinspeksyon ay idineklarang negatibo sa bomba ang dalawang eroplano na pinayagan ng lumipad matapos na maantala ng ilang oras ang biyahe.

 

AVIATION SECURITY GROUP

BANCASI

BUTUAN CITY

BUTUAN CITY POLICE OFFICE

CEBU PACIFIC

CEBU PACIFIC FLIGHTS

ENGINEER MARIA PALO

EXPLOSIVE ORDNANCE DISPOSAL TEAMS

INFANTRY BRIGADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with