Enrile gagayahin ni Gringo
MANILA, Philippines - Gagayahin din umano ni Senador Gringo Honasan si Senate President Juan Ponce Enrile sa paggawa ng sariling libro upang itama ang diumano’y kasinungalingan at “falsehood” na sinulat patungkol sa kanya at mga kasamahan sa Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM).
Ayon kay Honasan, ang ginagawa niyang libro ay magiging kontribusyon nila sa kasaysayan ng bansa.
Dalawa o tatlong taon na ang nakalilipas mula nang umpisahan nilang pag-usapan ng kanyang mga kasamahan sa RAM ang pagsusulat ng libro na balak nilang iwan para sa kanilang mga anak, apo, at sa mga mas bata pang henerasyon na gustong malaman ang kuwento mula sa kanilang panig.
Ayon kay Honasan, 90 percent ng naisulat tungkol sa kanilang grupo ay mali.
“For example, sabi ng iba naglunsad kami ng 7 coup attempts. That’s a total inaccuracy. Kasinungalingan yan,” sabi ni Honasan.
Ipinaliwanag ni Honasan na mayroon siyang amnesty diploma sa kudeta noong 1987 at 1989 at kung isasama yong 1986 ay tatlo lamang ang kabuuan ng lahat.
- Latest