^

Police Metro

Pinay hinatulan ng bitay sa Vietnam

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinatulan ng bitay ang isang 61-anyos na Pinay dahil sa pagpupuslit ng mahigit limang kilo ng illegal drugs sa Vietnam.

Sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), parusang kamatayan ang iginawad ng Hanoi court sa Overseas Filipino Worker (OFW) na kinilalang si Amodia Teresita Palacio dahil sa pagdadala ng may 5.4 kilogram ng synthetic drugs o methamphetamine habang papasok sa Noi Bai International Aiport sa Hanoi noong Abril 27.

Si Palacio ay nagtungo sa Vietnam mula Bangkok, Thailand sa rutang Doha-Bangkok-Hanoi.

Base sa rekord ng korte, binayaran umano si Palacio ng halagang US$3,000 ng isa niyang kaibigan na nag­ngangalang Joselyn upang dalhin ang ilegal na droga mula Bamako, ang capital ng Mali, patungong Vietnam.

Tinanggap umano niya ang dalawang suitcase na naglalaman ng nasabing droga sa isang African national bago siya bumiyahe patungong Vietnam.

Si Joselyn at isang hindi pinangalanang African ay pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad.

Sinabi ni Palacio sa Viet­namese Police na ito ang kauna-unahan niyang pagpunta at pagpuslit ng droga sa Vietnam subalit sa isinagawang pagsisiyasat ng Vietnamese authorities ay napag-alaman sa immigration record nito na walong beses na siyang nakapasok sa nasabing bansa.

ABRIL

AMODIA TERESITA PALACIO

BAMAKO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DOHA-BANGKOK-HANOI

NOI BAI INTERNATIONAL AIPORT

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PALACIO

SI JOSELYN

SI PALACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with