^

Police Metro

Abusadong driver ng NHCP pinakakastigo

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang magsam­pa ng reklamo ang isang ba­baeng motorista laban sa driver ng National His­torical Commission of the Philippines na gu­mit­git sa kanilang sa­sak­yan at sa halip na humi­­ngi ng paumanhin ay pi­nag­­mumura pa sila ng kanyang driver kahapon sa kahabaan ng Quirino Avenue-Taft Avenue, May­nila.

Ayon sa biktima na nagpatago sa pangalang Gerlie, ng Maynila na dapat ay kastiguhin ni NHCP Chairman Ma. Serena I. Diokno ang hindi kila­lang driver nila na nag­ma­maneho ng kulay sil­ver  Toyota Grandia, model 2006 na may numerong plaka SHJ-620.

Sa salaysay ni Ger­lie, naganap ang insi­dente dakong alas-11:00 sa kahabaan ng Qui­ri­no Avenue-Taft Ave­nue, Maynila habang mina­ma­neho ng kanyang dri­ver ang Mit­subishi Montero, na hindi na pinabanggit ang plaka.

Habang papatawid ng Taft Avenue ay bigla silang ginitgit ng driver ng nasabing sasakyan at sa halip na humingi ng paumanhin ay walang sabi-sabi silang pinagmumura at pinagbantaan pa.

Nang beripikahin ang nasabing plaka ay doon nila nalaman na naka-is­yu sa tanggapan ng NHCP, na matatagpuan sa National Library Buil­ding, T.M. Kalaw, May­nila.

AVENUE-TAFT AVE

CHAIRMAN MA

COMMISSION OF THE PHILIPPINES

MAYNILA

NATIONAL HIS

NATIONAL LIBRARY BUIL

QUIRINO AVENUE-TAFT AVENUE

SERENA I

SHY

TAFT AVENUE

TOYOTA GRANDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with