^

Police Metro

Pangalan ng killer isinulat ng biktima sa sariling dugo

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng agad na ma­lutas ng pulisya ang kaso ng pagpatay sa isang 44-anyos na sekyu na bago nalagutan ng hininga ay  naisulat nito sa sahig sa pa­mamagitan ng sari­ling dugo ang pumatay sa kanya, naganap kahapon ng umaga sa Los Baños, La­guna.

Kinilala ni Laguna po­lice director, Senior Su­­perintendent Fausto Man­zanilla, ang nasawing biktima na si Robert Dipon, ng  Asian Treasury Agency na nagawa nitong maisulat sa pamamagitan ng kanyang dugo ang pangalang Bernardo.

Ang tinutukoy ng bik­tima na Bernardo ay wa­lang iba kundi ang kasama nitong sekyu na si Bernar­do Tandang na agad tuma­kas.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang matagpuang patay ng isang kawani ang biktima na may tama sa likod sa likuran ng binabantayang  Emilio  Lim Appliances Store sa kahabaan ng Lopez Ave., Barangay Batong Malake ng nasabing lalawigan.

Lumalabas din na hindi kinuha ang P70,000 sa vault at mamahaling gamit sa loob ng tindahan.

ASIAN TREASURY AGENCY

BARANGAY BATONG MALAKE

BERNARDO

FAUSTO MAN

LIM APPLIANCES STORE

LOPEZ AVE

LOS BA

ROBERT DIPON

SENIOR SU

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with