^

Police Metro

4 karnaper dedo sa barilan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay sa isang shootout ang apat na umano’y mga carjackers matapos maka-engkwentro ang mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Dalawa sa apat na suspek ay kinilalang sina Ricardo Orbina at Arnel Canque, pawang nasa hustong gulang at tumatayo umanong mga lider ng grupo.

Batay sa natanggap na ulat ni Muntinlupa City chief of police, Senior Supt. Conrad Capa, na bago naganap ang shootout dakong ala-1:30 ng mada­ling araw sa Don Pedro St., Victoria Homes, Barangay Tunasan ay nagsagawa ng frame up operation ang mga otoridad laban sa mga suspek habang ibebenta ang isang Toyota Vios na isang ‘hot car’ sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nabatid na ang nasabing kotse ay pag-aari ng isang call center agent na ninakaw ng mga ito noong nakaraang linggo sa España Boulevard, Maynila.

Dito ay nakatunog ang mga suspek na sila ay minamanmanan ng mga pulis kung kaya’t mabilis na pinasibat ang kanilang kotse.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek, subalit pinaputukan umano ng mga ito ang una.

Gumanti ng putok ang mga pulis kaya’t nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Narekober sa sasak­yan ng mga suspek ang type-B police uniforms, pekeng military IDs at ilang high-powered firearms.

Napag-alaman din  na ang plakang ZCN-566, na nakakabit sa sa­sakyang Toyota Vios ay nakarehistro sa isang Toyota Hilux.

ARNEL CANQUE

BARANGAY TUNASAN

CONRAD CAPA

DON PEDRO ST.

MUNTINLUPA CITY

RICARDO ORBINA

SENIOR SUPT

TOYOTA HILUX

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with