MILF at BIFF nagsagupa… 5 todas sa clan war
MANILA, Philippines - Lima katao ang naiulat na nasawi nang muling magsagupa ang magkalabang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ang breakway group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kamakalawa ng gabi sa Brgy. Libutan Mamasapano, Maguindanao.
Sa ulat na natanggap ni Army’s 6th Infantry Division Commander Major Gen. Rey Ardo, pasado alas-8:30 ng gabi nang muling magpang-abot ang mga miyembro ng 118th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pangunguna ni Commander Dagadas at BIFF sa ilalim naman ng pamumuno ni Commander Ameril Umbra Kato. Nabatid na tatlo sa BIFF at dalawa sa MILF ang nasawi sa bakbakan.
Ayon sa opisyal na nagbabawian lang ang dalawang grupo na isang pangkaraniwan na ng pagsagupa nila sa isa’t isa sa tuwing magku-krus ang kanilang landas.
Ayon kay Ardo na hindi nila maaring pasukin ang lugar dahilan sa teritoryo na ito ng MILF na kung saan umiiral ang Bangsamoro framework agreement.
Nasa mahigit 30 pamilya ang nagsilikas sa takot na maipit sa bakbakan ng MILF at BIFF.
- Latest