^

PM Sports

PBA grand reunion

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mahirap kalimutan ang PBA Gala Night procee­dings, kung saan binigyan ng parangal ang 10 karagdagan sa PBA greatest roster noong Biyernes sa Solaire North Resort, Quezon City.

Kitang kita sa mukha nina Nelson Asaytono, Bong Hawkins at Manny Victorino ang kanilang katuwaan na – sa wakas – mapasama na sa maningning na listahan.

Syempre, masaya rin sina Jeffrey Cariaso, June Mar Fajardo, Scottie Thompson at Danny Seigle sa pagdalo sa parangal at selebrasyon.

Absent ang US-based na sina Abe King at Yoyoy Villamin pero pinarating ang kanilang pasasalamat at kasiyahan. Samantalang si Calvin Tuadles (former Shell player) ang dalawa sa nag-represent sa namayapang si Arnie Tuadles sa pagtanggap ng eleganteng hardware.

Nanumbalik din ang masayang alaala at ang kanilang mayamang kontribusyon sa liga sa mga antigong sports journalists na kasamang binigyan pugay ng liga.

Limitado ang bilang nang naimbita sa Gala Night dahil may padating naman na mas malaking selebras­yon – ang PBA grand reunion na magiging sahog ng opening ng PBA Season 50 sa Oct. 5.

Ngayon pa lang eh nagsisikap na ang PBA na maabot ang lahat at maparating ang imbitasyon para sa grand event.

“ANG LAHAT” ay tumutukoy sa lahat ng naging parte ng liga, lalo na ang mga players, kahit panandalian lang nakalaro sa PBA.

Sa player registry na makikita sa PBA Annual, mahigit isang libo ang nagkaroon ng pribilehiyo na maabot ang paglalaro sa liga.

Syempre marami na rin ang namaalam at marami ang nasa abroad, pero malaking bilang pa rin ang inaasahang makikisama sa saya sa Oct. 5.

Big blast sigurado ito!

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->