^

PM Sports

UP, Ateneo agawan sa panalo

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labanan ng mga taga- Katipunan ang masisilayan ngayong araw dahil magtatapat ang Ateneo de Manila University at University of the Philippines sa pangalawang laro ng women’s division ng UAAP Season 87 volleyball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magsisimula ang bakbakan ng Ateneo at UP sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Adamson University at University of the East sa alas-2 ng hapon.

Solo sa fifth place ng team standings ang UP tangan ang 3-4 record habang kasalo ngAteneo ang Adamson sa sixth spot na pawang may 2-5 card.

Ipaparada ni Ateneo head coach Sergio Veloso sina Lyann Marie Loise De Guzman at Alexis Ciarra Miner para tapatan ang mga pambato ng UP na sina Irah Anika Jaboneta at Nina Ytang.

Tinalbos ng Ateneo sa tatlong sets ang UP, 25-18, 25-22, 25-18, nang una silang magharap sa first round eliminations noong Pebrero 23.

Kaya asahang mas magiging matikas ang UP upang makabawi sa Ateneo at mapaganda ng bahagya ang kanilang karta.

Sina Ytang at Jaboneta ang humarbat sa opensa ng talunin ng UP ang A­damson sa limang sets, 25-15, 15-25, 24-26, 25-22, 15-10 sa kanilang huling laro sa first round elims.

Nagtala si Ytang ng 20 points, 19 ang inambag ni Jaboneta kaya asahang sila pa rin ang magiging pangunahing armas ng UP kontra Ateneo.

Naniniwala si Miner na mas magpupursige ang A­teneo sa second round dahil halos ng kanilang mga laban ay dikitan lang nagkatalo.

“I think sa next round mas ganadong madagdagan pa iyung panalo namin kasi we have close matches with other teams and we are very motivated na ibibigay namin lahat,” ani Miner.

UAAP

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->