^

PM Sports

TNT focus sa 3-1 bentahe

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasamantalahin ng Talk ‘N Text ang posibleng kawalan ni import Justin Brownlee para sa Barangay Ginebra upang mamuro na sa Game 4 ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup finals ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Aarangkada ang bakbakan sa alas-7:30 ng gabi tampok ang hangarin ng Tropang Giga na makalapit ng isang hakban sa pagkopo ng ikalawang sunod nitong titulo matapos pagharian ang Governors’ Cup.

At sa magiging susi dito kung patuloy na hindi makakalaro para sa Gin Kings ang pambatong si Brownlee na nadale ng fractured thumb sa second half ng Game 3.

Nagkaroon ng dislocated thumb si Brownlee matapos ang looseball at kailangang dalhin sa pinakamalapit na ospital, dahilan upang hindi niya matapos ang laro tungo sa 87-85 panalo ng TNT.

Sa ngayon ay nananatiling game-time decision ang status ni Brownlee kaya walang kasiguruhan kung makakalaro agad sa krusyal na Game 4 ng best-of-seven titular showdown.

Sa kabila nito, walang puwang ang kumpiyansa sa kampo ng TNT, babala ni coach Chot Reyes lalo na’t matapos silang pahirapan ng Ginebra kahit wala pa si Brownlee sa 2nd half.

“Nakita n’yo naman how strong that team is. Without Justin, somebody else is going to step up,” ani Reyes matapos kumawala ng TNT sa huling minuto lang tampok ang pampanalong tres ni Rey Nambatac.

Sa posibleng kawalan ni Brownlee, inaasahan ulit ang pagwawala ni reig­ning Best Import Rondae Hollis-Jefferson upang mabigyan na ang TNT ng 3-1 kartada kasama sina Nambatac, Roger Pogoy, Calvin Oftana, Kelly Williams, Poy Erram at Glenn Khobuntin.

Malaking hamon ang injury ni Brownlee para sa Gin Kings subalit kilala ito dahil sa pamosong ‘never say die’ attitude’ na siyang aasahan ni head coach Tim Cone sa Game 4 sa tulong ng local crew nina Scottie Thompson, Troy Rosario, Japeth Aguilar, RJ Abarrientos, Stephen Holt at Maverick Ahanmisi.

PBA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->