^

PM Sports

2-0 lead target ng TNT; Ginebra gustong tumabla

John Bryan Ulanday - Pang-masa
2-0 lead target ng TNT; Ginebra gustong tumabla
Ang jumper ni TNT import Rondae Hollis-Jefferson laban kay Troy Rosario ng Ginebra sa Game One ng PBA Finals.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Magtatangka ang TNT Tropang Giga na ma­ka­pagtayo ng 2-0 kartada, ha­bang krusyal na tabla ang hangarin ng Barangay Ginebra sa umaatikabong Game Two ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Mall of Asia Arena.

Lalarga ang duwelo nga­­yong alas-7:30 ng ga­bi tampok ang bigating tsansa para sa Tropang Gi­ga na makalapit ng da­lawang hakbang mula sa asam na back-to-back title.

Inilampaso ng Tropang Giga ang Gin Kings noong Governors’ Cup Finals, 4-2, at napanati­li ang dominasyon na iyon sa kanilang rematch nang makaiskor ng 95-89 pana­lo sa Game One ng best-of-seven titular showdown.

Trumangko sa panalo ng TNT si reigning Best Import Rondae Hollis-Jefferson na tumabo ng 34 points, 13 rebounds at 8 assists.

Sa kabila nito, ayaw magkumpyansa ni coach Chot Reyes na umaasa sa matinding balikwas ng mga bataan ni coach Tim Cone.

“We expect Ginebra to come back. That team is too good, too strong and too deep. We kept our composure and that’s the most important thing so hopefully, we can sustain this,” ani Reyes na nakakuha rin ng solidong suporta kina Roger Po­goy, Calvin Oftana, Rey Nambatac, Kelly Williams, Glenn Khobuntin, Poy Erram at Kim Aurin.

Sa katunayan ay nau­na­han ng Ginebra ang TNT sa 5-0, subalit mabi­lis na uminit sa tres ang Tro­pang Giga hanggang makaalagwa ng 18 points tungo sa tagumpay.

Para kay Cone, panahon na upang baliktarin nila ang kasaysayan sa Tropang Giga na tinalo na sila sa nakaraang dalawang Governor’s Cup Finals.

“We have to understand that this is going to be a lot tougher series than it was the last one,” ani Cone na aasahan sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Troy Rosario, Stephen Holt, Maverick Ahanmisi at RJ Abarrientos upang tulungan si import Justin Brownlee.

RUSELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad