Bucks ibinagsak ang Lakers; Curry gumawa ng history
MILWAUKEE — Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 24 points, 12 rebounds at 9 assists para gabayan ang Bucks sa 126-106 pagpapatumba sa Los Angeles Lakers.
Tinapos ng Milwaukee (37-28) ang kanilang three-game losing skid.
Nagdagdag si Brook Lopez ng 23 points, habang may 22 markers, 10 assists at 6 boards si Damian Lillard.
Umiskor din si Kevin Porter Jr. ng 22 points.
Nasayang naman ang inilistang 45 points at 11 rebounds ni Luka Doncic sa panig ng Los Angeles (40-24) na nakahugot kay Austin Reaves ng 28 points.
Bagsak ang Lakers sa ikatlong dikit na kabiguan kung saan hindi naglaro si LeBron James (left groin strain) sa ikalawang sunod na laban.
Bumira si Antetokounmpo ng 10 points sa pinakawalang 24-7 atake ng Bucks para makalayo sa 100-77 mula sa 76-70 abante sa third quarter.
Mula rito ay hindi na nila nilingon ang tropa ni Doncic.
Sa San Francisco, hinirang si Stephen Curry bilang unang player sa NBA history na nagtala ng 4,000 career three-pointers sa 130-104 paggupo ng Golden State Warriors (38-28) sa Sacramento Kings (33-32).
Tumapos si Curry na may 11 points kasama ang kanyang ika-4,000 triple sa third quarter.
Kumamada si Draymond Green ng 23 points para sa six-game winning streak ng Warriors na nakakuha kay Jonathan Kuminga ng 18 markers.
Pinamunuan ni DeMar DeRozan ang Kings sa kanyang 23 points.
Sa New Orleans, naglista si Paolo Banchero ng 34 points at 11 rebounds sa 113-93 panalo ng Orlando Magic (31-36) sa Pelicans (18-49).
- Latest