^

PM Sports

Foul balls

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

May mga maiinit na dakilang miron na todo maktol pagkatapos mabokya ang koponan ni coach Tim Cone sa final window ng FIBA Asia Cup qualifiers.

Dahil sa talo sa Chinese Taipei at New Zealand, puntirya nila ang ulo ni coach Tim.

Maaaring marami sa mga ito eh kasama sa mga nagpalahaw at dumurog kay coach Chot Reyes noong panahon ng mga talo niya habang siya ang gumigiya sa Gilas.

Sa harap ng matinding batikos, nagpakatatag si coach Chot at tinapos ang kanyang tenure hanggang matapos ang FIBA World Cup 2023.

Ngayon, wala rin dahilan para matinag si coach Tim.

Ang kanyang mandato eh dalhin ang Gilas sa 2028 Los Angeles Olympics. Matagal pa ang qualifier para sa LA Games, at nasa pagsisimula pa lang nang paghubog ng kanyang team si coach Tim.

Sabi nga ni Dwight Ramos, magandang ngayon pa lang eh makaranas na sila ng mga experiences na naharap nila – talo sa mga tuneups at inconsequential matches. “This will make us better,” aniya.

Kahit na nga ang US Dream Team nina Michael Jordan, Charles Barkley, Magic Johnson at mga kasama eh nakatikim nang pagkadurog. Warak sila sa tuneup kontra noon eh collegiate selection na kinabibilangan nina Grant Hill, Chris Webber, Penny Hardaway at Allan Houston.

At unang-una, nahugot na nina coach Tim ang immediate goal – mag-qualify sa Asia Cup proper sa Saudi Arabia sa Agosto.

Kaya’t foul balls at alang wenta ang mga bato ng mga “feelingerang geniuses.”

FIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad