Tapyas ang tikas
Nakita ang malaking pagkapilay ng Gilas Pilipinas sa kanilang laban kontra Chinese Taipei.
Exposed ang malaking kabawasan sa length, agility at versatility sa absence ni Kai Sotto.
Naramdaman ito nang husto sa 91-84 loss na sinapit sa mga Taiwanese.
Dinomina ng mga Taiwanese ang rebounding lalo na sa mga oras na nakaposisyon sa gitna si 7-0 naturalized player Brandon Gilbeck.
At dahil lamang sa kuhanan ng rebounds, kumpiyansa rin ang mga Taiwanese shooters na pumukol ng bultu-bultong tres.
Makaka-match up ng mabuti sa gitna at makakadikit nang husto sa mga Taiwanese shooters ang Gilas kung nandoon sana si Kai.
Pero dahil matagal na wala si Kai (ACL tear), kailangan nina coach Tim Cone at ng tropa na gumawa ng malaking adjustments at maghanap ng ibang kaparaanan upang makasabay sa kalaban.
Immediate concern ngayon ang New Zealand sa kanilang rematch sa Auckland bukas.
Parehong pasok na sa FIBA Asia Cup proper ang mga Pinoy at Kiwis.
Ang nakataya sa kanilang laban eh, ang top seeding mula sa kanilang bracket papunta sa Asia Cup na nakatakda sa August sa Riyahd, Saudi Arabia.
Ang tanong eh, gaano kahaba ang magiging rehab at recovery ni Kai.
At kung wala si Kai, kailangan pumutok ang mga Gilas shooters para naman may katulong sa laban sina June Mar Fajardo at Justin Brownlee.
- Latest