Romero, Globalport hahataw sa 2025 US Open Polo Championship

MANILA, Philippines — Masisilayan ang bandila ng Pilipinas sa prestihiyosong 2025 US Open Polo Championship na gaganapin sa Marso 24 hanggang Abril 20 sa Wellington, Florida.
Ito ay matapos magkuwalipika ang Globalport Polo team kasama si Rep. Mikee Romero sa naturang torneo.
Ang Globalport ang unang team based sa Asya na nakapasok sa US Open.
“It’s a big honor for me to represent the country in this US Open,” wika ni Romero.
Hindi ito ang unang pagkakataon na masisilayan sa aksiyon si Romero suot ang national team jersey.
Nagpartispa na rin ang three-term congressman at SEA Games bronze medalist sa mga international polo competitions.
Kilala rin si Romero na tagasuporta ng basketball, cycling, shooting, volleyball, polo at iba pang sports.
Naging party-list representative ito ng 1-Pacman noong 2016.
“While qualifying for the US Open is accomplishment enough, we hope to make an impact on the competition as we mount a challenge on the dominance of the established powers of the polo world,” ani Romero.
Solido ang Globalport Polo lineup sa pangunguna ng mahusay na si Barto Castagnola ng Argentina.
Kasalukuyang No. 2 si Castagnola sa world rankings kung saan galing ito sa impresibong kampanya sa Argentine Open at UK Gold Cup.
Kaya naman malaking tulong ang karanasan nito na maibabagi nito sa kaniyang mga katropa sa Globalport gaya ni ng 17-anyos na si Beltran Laughle na 6-goaler gumagawa ng pangalan sa industriya.
Kasama rin si Lucas Alberdi na American-born player.
Ang US Polo Open ay inorganisa ng United States Polo Association (USPA) at isa sa most prestigious polo tournament sa mundo.
Lalahukan ito ng mga pinakamahuhusay na polo players sa mundo.
Ang 2024 US Polo Open championship ay nagsilbing backdrop ng Netflix series Polo na prinoduce nina Prince Harry at Meghan ng Sussex, UK.
Ipinakita dito ang matinding kumpetisyon at drama sa event upang mas lalong maging malalim ang pagkilala sa US Polo Open.
- Latest