Ika-22 triple-double ipinoste ni Jokic

CHARLOTTE, N.C. — Nagkuwintas si Nicola Jokic ng 28 points, 17 assists at 13 rebounds para sa kanyang ika-22 triple-double sa season at tinulungan ang Denver Nuggets sa 107-104 pagtakas sa Hornets.
Nagdagdag si Christian Braun ng 24 points at 11 rebounds para sa Denver (30-19), habang may 20 at 15 markers sina Jamal Murray at Michael Porter Jr., ayon sa pagkakasunod.
Nagmula sila sa 137-134 paglusot sa Philadelphia 76ers noong Biyernes.
Tumipa si Miles Bridges ng 24 points at 12 rebounds sa panig ng Charlotte (12-34) na nakahugot kay Mark Williams ng 20 points at 15 rebounds.
Bagsak sila sa pang-limang sunod na kamalasan.
Bumangon ang Hornets mula sa isang 17-point deficit sa first half para agawin ang 104-100 abante mula sa mga tirada ni Bidges sa huling 51 segundo ng fourth period.
Nagtuwang naman sina Jokic at Murray para ibigay sa Nuggets ang 107-104 kalamangan patungo sa kanilang panalo.
Sa New York, naglista si LeBron James ng 33 points, 12 assists at 11 rebounds para sa kanyang pang-10 triple-double sa season sa paggabay sa Los Angeles Lakers (28-19) sa 128-112 paggupo sa Knicks (32-17).
Sa Minneapolis, bumanat si Kyle Kuzma ng season-high 31 points sa 105-103 pag-eskapo ng Washington Wizards (7-41) sa Minnesota Timberwolves (27-22) at tapusin ang kanilang 16-game losing slump.
Sa Houston, nagtala si Ziaire Williams ng 21 points at may 18 markers si D’Angelo Russell sa 110-98 pagpapasabog ng Brooklyn Nets (16-33) sa Rockets (323-16).
- Latest