^

PM Sports

Magnolia dumiga ng playoff sa no. 8 spot

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakahabol ang Magno­lia para sa knockout sa huling tiket sa quarterfi­nals matapos kaldagin ang Meralco, 129-92, sa pag­ta­t­apos ng elimination round ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Limang players ang umiskor ng twin digits para sa balanseng atake ng Hoshots na tinapos ang kampanya sa 6-6 kartada sakay ng three-game winning streak.

Nakatabla ng Magnolia ang NLEX para sa No. 8 seed na maaari ring katampukan ng Rain or Shine (6-5) kung matatalo kontra sa TNT Tropang Giga (8-3) kagabi.

Aangat sa No. 7 ang NLEX kung matatalo ang Rain or Shine na magbibi­gay-daan sa knockout duel nito kontra sa Magnolia.

Subalit ang pinakama­ha­laga ay nanatiling buhay ang pag-asa ng Hotshots sa pangunguna ni import Ricardo Ratliffe na humakot ng 31 points, 19 rebounds, 4 assists at 2 steals.

Umayuda si Zavier Lucero ng 22 points, habang may tig-18 markers sina Ian Sangalang at Mark Barroca kasunod ang 14 points ni Calvin Abueva para sa mga bataan ni coach Chito Victolero.

Sumadsad sa 3-6 kartada ang Magnolia bago isa-isahin ang Phoenix, 110-104, Eastern, 107-78, at Meralco na nagparada ng All-Filipino line-up.

Umiinda ng back injury si Bolts import Akil Mit­chell na hindi rin naglaro kon­tra sa Ginebra, kaya hin­di na muna pinilit ng Me­ralco para ipahinga sa playoffs kung saan sigurado na sila para sa best-of-three series sa No. 5 seed.

Sinamantala ito ng Hot­shots nang kumaripas ka­agad sa 35-19 ratsada sa first quarter matapos ang and-one ni Abueva ­tungo sa kumbinsidong 37-point victory.

Umiskor ng 23 points si Raymond Almazan at may 11 markers si CJ Cansino para sa Meralco.

Hawak ang 9-3 kartada, kasado na ang NorthPort sa No. 1 para sa isang ‘twice-to-beat’ advantage, habang gayundin ang mithiin ng TNT na kung matatalo na­man sa RoS ay makaka­tabla ang Converge at Gi­nebra sa 8-4 kartada para malaman ang final ran­kings.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->