Garland, Mobley bumandera sa panalo ng Cavs
CLEVELAND — Kumamada si guard Darius Garland ng 26 points at humakot si center Evan Mobley ng 16 points at 10 rebounds para gabayan ang NBA-leading Cavaliers sa 137-115 pagpapatumba sa Atlanta Hawks.
Nagdagdag si Mitchell ng 24 points kasunod ang 20 markers ni Ty Jerome para sa Cleveland (39-9).
Humakot si Jarrett Allen ng 15 rebounds.
Binanderahan ni No. 1 overall pick Zaccharie Risacher ang Atlanta (22-26) sa kanyang 30 points, habang may 25 markers si De’Andre Hunter tampok ang 12-of-12 shooting sa free throw line.
Tumipa si Trae Young ng 15 points at 10 assists.
Inihulog ng Cavaliers ang Hawks sa pang-pitong sunod na kamalasan.
Isinalpak ni Garland ang isang runner kasunod ang magkadikit na three-point shot ni Max Strus sa third quarter para sa 88-69 bentahe ng Cleveland.
Mula rito ay hindi na nakabangon ang Atlanta.
Sa Washington, nagkadena si LeBron James ng 24 points at 11 assists bago ipahinga sa final quarter sa 134-96 pagbugbog ng Los Angeles Lakers (27-19) sa Wizards (6-41).
Sa Memphis, kumolekta si Desmond Bane ng 24 points at 12 rebounds, habang ipinasok ni Jaren Jackson Jr. ang dalawang free throws sa huling 8.6 segundo sa 120-119 pagtakas ng Grizzlies (32-16) sa Houston Rockets (32-15).
Sa Portland, naglista si Scoot Henderson ng 23 points para gabayan ang Trail Blazers (19-29) sa 119-90 paggupo sa Orlando Magic (24-25).
Salt Lake City, humugot si Anthony Edwards ng 16 sa kanyang 36 points sa third quarter para tulungan ang Minnesota Timberwolves (27-21) sa 138-113 pagdaig sa Utah Jazz (10-36).
- Latest