Tagumpay ang operasyon kay Sotto
MANILA, Philippines — Wala nang dapat ipangamba dahil tagumpay ang isinagawang operasyon kay Gilas Pilipinas standout Kai Sotto sa kaniyang torn anteior cruciate ligament (ACL).
Ipinakita ni Sotto sa kaniyang post sa social media na tapos na ang operasyon kasabay ng pasasalamat sa ligtas na pagsasagawa ng procedure.
Ilang linggo rin itong magpapahinga bago sumalang sa rehabilitasyon para sa paggaling ng kaniyang injury.
Sumalang sa operasyon si Sotto matapos itong magtamo ngACL injury sa laro ng Koshigaya Alphas sa Japan B.League.
Mangangailangan ng anim hanggang walong buwan na rehabilitasyon para tuluyang gumaling ang injury nito.
Dahil dito ay hindi makalalaro si Sotto sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Pebrero 20 at 23.
- Latest