^

PM Sports

Twice-to-beat target ng TNT sa Rain or Shine

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisikwatin ng Talk ‘N Text ang huling twice-to-beat advantage sa quarterfinals kontra sa Rain or Shine sa pagtatapos ng elimination rounds sa 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa PhilSports Arena sa Pasig.

Hawak ng Tropang Giga ang kapalaran nito sa 8-3 kartada at walang balak na sumakit pa ang ulo sa posibleng karambola kaya susubok na masungkit na ito kontra sa Elasto Painters sa alas-7:30 ng gabi.

Samantala sa unang laro sa alas-5 ng hapon, tangka ng Magnolia (5-6) na manatiling nasa kontensyon laban sa Meralco (7-5) at makapuwersa ng knockout match laban sa NLEX o kaya sa Rain or Shine para sa No. 8 seed.

Solo ngayon ng NLEX ang huling puwesto sa quarterfinals at masesel­yuhan ito kung matalo ang Magnolia habang pwede pang umangat sa hanggang No. 7 kung pati ang RoS ay matatalisod kontra sa TNT.

Iyon ang tatangkaing magawa ng TNT, hindi para sa kapakanan ng sister team na NLEX, kundi para sa sarili nito na kasaluku­yang nasa segunda puwesto sa likod ng NorthPort, na sigurado na sa No. 1 seed hawak ang 9-3 kartada.

Napunta sa kamay ng Tropang Giga ang tadhana nito matapos matalo ang Meralco (7-4) sa Barangay Ginebra kamakalawa, 91-87, at ngayon ay kailangan na lang manalo upang masiguro ang naturang puwesto at ang asam na win-once incentive sa quarterfinals.

Kung hindi, mauuwi ang TNT sa multiple ties sa 8-4 kasama ang Converge, Barangay Ginebra, at posible ring Meralco na dedepende pa sa quotient kung sino ang aangat sa No. 2 seed.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with