^

PM Sports

Nicolas inupuan ang 10th place sa chess meet

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Swak sa 10th place si National Master Nika Juris Nicolas sa Marienbad Open 2025 C FIDE Open 23rd Inter­national Chess Festival sa Czech Re­public.

Sumiksik si Nicolas sa fifth hanggang 10th place kasama sina FM Ondrej Matras ng Czech Republic (elo 2092), Dustin Kuipers ng Germany (elo 2086), Tomasz Bajer ng Poland (elo 1823), Karel Bourban ng Switzerland (elo 1797), at Milan Chmielek ng Poland (elo 1803) tangan ang tig-anim na puntos pero ma­tapos ipatupad ang tie break ay nakopo ng Pinay chessers ang 10th spot.

May apat na panalo, apat na tabla at isang talo si Nicolas, nakakuha din siya ng 175 elo rating points sa nasabing tournament, habang si Vasiko Shapovalov ng Georgia (elo 2078) ang sumilo ng titulo sa kanyang 7.5 puntos.

Sina Jakob Engelmann ng Germany (elo 2163) at Patrik Pycha ng Czech Republic (elo 2050) ang pu­mangalawa hanggang ikatlong puwesto na may tig-7.0 puntos, habang si Ulf Gohla ng Germany (elo 2088) ay nasa ikaapat na may 6.5 puntos.

Nakopo rin ni 12-an­yos na Grade 7 student sa Victory Christian International School sa Pasig City ang Best Woman Player at Best Player sa 1600-1699 rating category.

Patuloy ang pagkinang ni Nicolas sa ibang bansa at noong Disyembre 29 la­mang ay nanalo siya sa 35th International Chess Festival na inilaro sa Ga­laxy Hotel sa Krakow, Po­land.

Nanguna si Nicolas sa Open Under 1800 Category na may undefeated record na anim na panalo at isang draw para itaas ang kanyang kabuuang 6.5 puntos sa pitong laro.

Nagtapos din siya sa pa­ngalawang puwesto sa Prague Open 2025 (under 2000 rating) 23rd International Chess Festival nito lang Enero 10-17.

 

CHESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with