Star-studded ang PSA Awards Night

Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

MANILA, Philippines —  Darating ang mga bi­gating personalidad, Olympians at mga sports lea­ders sa San Miguel Cor­­poration-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night na idaraos bukas sa Centen­nial Hall ng Manila Hotel.

Nangunguna na ang mga Olympians na sumabak sa iba’t ibang edisyon ng Olympic Games para samahan ang mga top athletes na gagawaran ng pa­rangal.

Darating din sina Phi­lippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Kumpirmado na rin ang pagdalo ni International Olympic Committee (IOC) representative Mikee Cojuangco-Jaworski gayundin ni Sen. Bong Go na siyang chairperson ng Senate Committee on Youth and Sports sa event na co-presented ng ArenaPlus, Cignal, at MediaQuest.

Masisilayan din sina PSC commissioners Bong Coo, Edward Hayco, Fritz Gaston at Walter Torres kasama si PSC Executive Director Paulo Francisco Tatad.

Show comments