MEMPHIS, Tenn., Philippines — Iniskor ni star forward Jaren Jackson Jr. ang 15 sa kanyang 29 points sa third quarter, habang naglista si guard Desmond Bane ng 20 points at 14 assists para gabayan ang Grizzlies sa 139-126 pagpulutan sa New Orleans Pelicans.
Nagdagdag si shooting guard Luke Kennard ng 27 points tampok ang pitong three-pointers para sa pang-limang sunod na ratsada ng Memphis (30-15).
Hindi naglaro si injured star guard Ja Morant.
Pinamunuan ni Dejounte Murray ang New Orleans (12-33) sa kanyang 26 points, habang may tig-22 markers sina Trey Murphy III at CJ McCollum.
Nag-ambag si Jordan Hawkins ng 20 points, samantalang wala sa aksyon si forward Zion Williamson.
Kinuha ng Pelicans ang 71-62 kalamangan sa halftime kung saan nagtala si Murray ng 17 points at may 15 markers si McCollum.
Kumamada naman ang Grizzlies ng 77 points sa kabuuan ng second half at nilimitahan ang visiting team sa mas mababang 55 markers.
Sa Philadelphia, naghulog si forward Paul George ng 30 points at may 29 markers si Tyrese Maxey para banderahan ang 76ers (16-27) sa 132-129 paglusot sa Cleveland Cavaliers (36-8).
Ito ang pang-10 sunod na laro na wala si Philadelphia star center Joel Embiid dahil sa kanyang left knee injury.
Pinamunuan ni Donovan Mitchell ang Cleveland sa kanyang 37 points at bumanat si Ty Jerome ng career-high 33 markers kasama ang walong triples.
Sa Charlotte, bumira si Anfernee Simons ng 27 points at may 22 markers si Jerami Grant sa 102-97 panalo ng Portland Trail Blazers (17-28) sa Hornets (11-30).