^

PM Sports

Pelicans pinulutan ng Grizzlies; 76ers pinatumba ang Cavaliers

Pang-masa
Pelicans pinulutan ng Grizzlies; 76ers pinatumba ang Cavaliers
Jaren Jackson Jr. of the Memphis Grizzlies.
Harry How / Getty Images / AFP

MEMPHIS, Tenn., Philippines — Iniskor ni star forward Jaren Jackson Jr. ang 15 sa kanyang 29 points sa third quarter, habang naglista si guard Desmond Bane ng 20 points at 14 assists para gabayan ang Grizzlies sa 139-126 pag­pulutan sa New Orleans Pelicans.

Nagdagdag si shooting guard Luke Kennard ng 27 points tampok ang pitong three-pointers para sa pang-li­mang sunod na ratsada ng Memphis (30-15).

Hindi naglaro si injured star guard Ja Morant.

Pinamunuan ni Dejounte Murray ang New Orleans (12-33) sa kanyang 26 points, habang may tig-22 mar­kers sina Trey Murphy III at CJ McCollum.

Nag-ambag si Jordan Hawkins ng 20 points, saman­talang wala sa aksyon si forward Zion Williamson.

Kinuha ng Pelicans ang 71-62 kalamangan sa halftime kung saan nagtala si Murray ng 17 points at may 15 markers si McCollum.

Kumamada naman ang Grizzlies ng 77 points sa ka­buuan ng second half at nilimitahan ang visiting team sa mas mababang 55 markers.

Sa Philadelphia, naghulog si forward Paul George ng 30 points at may 29 markers si Tyrese Maxey para banderahan ang 76ers (16-27) sa 132-129 paglusot sa Cleveland Cavaliers (36-8).

Ito ang pang-10 sunod na laro na wala si Philadelphia star center Joel Embiid dahil sa kanyang left knee injury.

Pinamunuan ni Donovan Mitchell ang Cleveland sa kanyang 37 points at bumanat si Ty Jerome ng career-high 33 markers kasama ang walong triples.

Sa Charlotte, bumira si Anfernee Simons ng 27 points at may 22 markers si Jerami Grant sa 102-97 panalo ng Portland Trail Blazers (17-28) sa Hornets (11-30).

JAREN JACKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with