^

PM Sports

Chicago Bulls bugbog-sarado sa Warriors

Pang-masa
Chicago Bulls bugbog-sarado sa Warriors
Ang three-pointer ni Stephen Curry ng Warriors kontra kay Lonzo Ball ng Bulls.

SAN FRANCISCO —  Naglista si Stephen Curry ng 21 points at 7 assists, habang bumira si Quinten Post ng career-high 20 points sa 131-106 pagbug­bog ng Golden State Warriors sa Chicago Bulls.

Nagdagdag si Gui Santos ng 19 points tampok ang limang three-pointers at may 17 markers si Andrew Wiggins para sa Warriors (22-22).

Binanderahan ni Zach LaVine ang Bulls (19-26) sa kanyang 24 points, ha­bang nagposte si Josh Giddey ng 16 points at 11 rebounds.

Ito ang unang back-to-back games ni Curry sa­pul noong Nobyembre bago siya nagkaroon ng ten­dinitis sa magkabilang tuhod.

Kumonekta sina Wiggins at Post ng magkasunod na 3-pointers sa dulo ng third period para ibaon ng  Golden State ang Chicago sa 94-80 papasok sa fourth quarter patungo sa ka­nilang panalo.

Sa Los Angeles, umiskor si Anthony Davis ng 24 points kasunod ang 23 markers ni Austin Reaves sa 117-96 pagdaig ng La­kers (24-18) sa nagdede­pen­sang Boston Celtics (31-14).

Sa Denver, itinala ni Ni­kola Jokic ang klanyang pang-limang sunod na triple-double sa tinapos na 35 points, 22 rebounds at season-high 17 assists sa 132-123 panalo ng Nuggets (28-16) sa Sacramento Kings (23-21).

Sa Milwaukee, nagka­dena si Damian Lillard ng 29 points, 11 assists at 9 re­bounds sa 125-96 pagpapalamig ng Bucks (25-17) sa Miami Heat (21-22).

Sa Oklahoma City, bumaril si Spencer Dinwiddie ng 28 points para gabayan ang Dallas Mavericks (24-21) sa 121-115 paggupo sa Thunder (36-8).

Sa Atlanta, nagbagsak si Scottie Barnes ng 25 points para buhatin ang To­ronto Raptors (12-32)sa 122-119 pagdakma sa Hawks (22-22).

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with