^

PM Sports

MVP Group, NCAA may award sa PSA

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pararangalan ang MVP Group of Companies, National Collegiate Athletic Association (NCAA) at Pi­lipinas Live sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night sa Lunes sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Bibigyan ang MVP Group of Companies ng isang special award bilang pagkilala sa kanilang tulong sa mga Filipino athletes tampok ang makasaysayang dalawang Olympic Games gold medal ni gymnast Carlos Yulo sa Paris.

Sa likod ni businessman at sports patron Manny V. Pangilinan, nanguna sa pag­suporta ang MVP Group of Companies sa training at partisipasyon ng mga national athletes sa French capital, kabilang sina Yulo at Pinay boxers Nesthy Petecio at Aira Vil­legas na sumuntok ng tig-isang bronze medal.

Pararangalan din ang NCAA ng pinakamatandang media organization sa bansa sa pamamahala ni president Nelson Beltran, ang sports editor ng The Philippine Star, sa tra­ditional awards night na inihahandog ng ArenaPlus, Cignal at MediaQuest.

Gagawaran din ng re­kognisyon ang Pilipinas Live.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with