Kat Tolentino pahinga muna sa PVL AFC
MANILA, Philippines — Hindi muna masisilayan sa aksyon si wing spiker Kat Tolentino para sa Choco Mucho sa ginaganap na Premier Volleyball League (PVL) 2025 All-Filipino Conference.
Inanunsiyo ng Choco Mucho na may ruptured appendix o pamamaga ng appendix si Tolentino kaya’t hindi ito makalalaro sa mga susunod na laban ng Flying TItans.
Nadiskubre ang kalagayan ni Tolentino nang dalhin ito sa ospital dahil sa nararamdaman nitong pananakit ng kaniang tiyan.
“Katrina Tolentino had to be hospitalized for severe abdominal pains,” ayon sa post ng Choco Mucho.
Dahil dito, agad na sumailalim si Tolentino sa operasyon at kasalukuyan nang nagpapahinga.
Nanawagan ang Flying Titans na patuloy na ipanalangin si Tolentino para sa mabilis nitong paggaling.
“Today she was diagnosed with a ruptured appendix and had to undergo surgery this afternoon. She is resting now. Let’s all pray for her quick and full recovery,” ani Tolentino.
Nakapaglaro pa si Tolentino sa laban ng Choco Mucho at Zus Coffee Thunderbelles noong Enero 18.
Nagtala ang opposite spiker ng tatlong puntos para tulungan ang Flying Titans na makuha ang 20-25, 20-25, 25-22, 25-22, 15-9 panalo laban sa Thunderbells.
Malaking kawalan si Tolentino na may kabuuang 79 puntos mula sa 56 attacks, 19 blocks at apat na service aces sa nakalipas na mga laro ng kanilang tropa.
Kababalik lamang ni playmaker Deanna Wong na galing din sa ilang buwan na pahinga dahil sa injury.
- Latest