Ika-19 triple-double inilista ni Jokic
DENVER — Nagkuwintas si Nikola Jokic ng 27 points, 13 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-19 triple-double sa season sa 144-109 pagmasaker ng Nuggets sa Philadelphia.
Kinumpleto ni Jokic ang kanyang triple-double sa dulo ng third quarter sa isang assist para sa dunk ni Aaron Gordon bago ipahinga sa fourth quarter.
May anim na players ang Denver (27-16) na naglista ng double figures, kasama rito ang 23-point performance ni Julian Strawther.
Pinamunuan ni Tyrese Maxey ang Philadelphia (15-27) sa kanyang 28 points at 10 assists.
Laglag ang 76ers, naglaro na wala si injured big man Joel Embiid (left knee swelling), sa kanilang pang-pitong dikit na kamalasan.
Mula sa 77-67 halftime lead ay kumawala ang Nuggets sa third period sa pamamagitan ng isang 24-12 atake patungo sa kanilang panalo.
Sa Los Angeles, kumolekta si LeBron James ng triple-double na 21 points, 13 assists at 10 rebounds sa 111-88 panalo ng Lakers (23-18) sa Washington Wizards (6-36).
Sa Toronto, nagtala si Scottie Barnes ng 17 points at 11 rebounds sa 109-93 paggiba ng Raptors (11-32) sa Orlando Magic (23-22).
Sa New York, humakot si Karl-Anthony Towns ng 25 points at 16 rebounds sa 99-95 pagtakas ng Knicks (29-16) sa Brooklyn Nets (14-30).
- Latest