^

PM Sports

Northport, SMB magbabakbakan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi magpapaiwan sa dikdikang karera sa Top 2 ang NorthPort kontra sa naghihingalong San Miguel Beer sa umiinit na 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup quarterfinals ngayon sa Ynares Sports Center.

Magpapang-abot sa alas-7:30 ng gabi ang Batang Pier at Beermen pagkatapos ng duwelo ng delikado ring Blackwater (2-8) at Phoenix (3-7) sa alas-5 ng hapon.

Swak na sa quarterfinals ang NorthPort subalit tangkang makasikwat ng twice-to-beat incentives kung magtatapos sa Top 2 ng 13-team eliminations.

Hawak ang 7-3 kartada ay katabla ngayon ng mga bataan ni coach Bonnie Tan ang Meralco at Hong Kong Eastern sa tersera puwesto sa likod lang ng Converge (8-3) at Talk ‘N Text (6-2).

Matapos silatin ang 2 bigating teams na Eastern at Barangay Ginebra ay dumausdos sa 2 sunod na pagkatalo ang Batang Pier upang mapakawalan ang benatahe sa tuktok ng team standings.

Yuko ang NorthPort sa Meralco, 111-94, at Rain or Shine, 127-107, kaya siguradong gutom makabawi kahit pa kontra sa SMB na kailangan ding manalo upang manatili sa Top 8.

Balentong ang Beermen sa 3 kabiguan sa hu­ling 4 nitong laro, pinakabago ang 100-93 na talo kontra sa Meralco sa Candon, Ilocos Sur nitong Sabado.

Dahil dito ay biglang nanganib sa playoffs ang SMB ni coach Leo Austria na may 4-5 baraha ngayon sa ika-8 puwesto sa harapan lang ng naghahabol na Magnolia (4-6), NLEX (4-6), Phoenix at Blackwater.

Nagkasya lang ang bagong SMB import na si Malik Pope sa 14 puntos sa kanyang PBA debut game kontra sa Meralco subalit inaasahang babawi ngayon kontra sa NorthPort sa tulong nina June Mar Fajardo, CJ Perez, Don Trollano, Juami Tiongson, Jericho Cruz at Mo Tautuaa.

Haharang naman sa kanila sina Kadeem Jack, Arvin Tolentino, Joshua Munzon, Cade Flores, Evan Nelle, Fran Yu, Allyn Bulanadi at Sydney Onwubere.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with