^

PM Sports

Tony and Clyde

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa maraming bagay, maraming pagkakapareho sina Tony Lu at Clyde Mariano – dalawang beterano sa Philippine sports.

Unang-una nilang pagkakapareho ang pagiging ma­buting tao, daladala ang magandang karakter na nagpamahal sa kanila sa mundo ng palakasan. Si Clyde bilang sportswriter at si Tony bilang sports photo journalist.

Walang hindi nakakakilala sa dalawa sa paligid ng Rizal Memorial Sports Complex at kung saan man maglaro ang PBA.

Dekada ang kanilang ginugol sa Philippine sports – mahabang panahon sa basketball – at walang masamang tinapay sa dalawa.

Wala silang kapaguran sa napiling propesyon, at tunay na minahal ng marami dahil nga sa kanilang genial ways.

Isa sa pagkakakila kay Clyde ang kanyang niyakap na role na palagiang pagtayo at pagtanong ng series of questions sa mga subjects sa PSA Forum at sa mga press conferences.

Wala siyang papaligtasin na hindi niya nabubusisi sa kanyang mga biradang tanong.

Si Tony naman eh laging handa pumitik sa kanyang camera sa kung anu-anong aksyon at kung sinu-sinong tao.

Marami ang nakapagtabi ng magagandang pictures na walang bayad mula kay Tony.

Pagdating ng Chinese New Year, lahat ng mga kaibigan eh may matatangap na tikoy.

Pero may nakatakdang kapahingahan at sumapit na ang kay Clyde at Tony.

Rest well my friends. See you in the resurrection morning.

TONY LU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with