Fiberxers lalapit sa ‘twice-to-beat
MANILA, Philippines — Mamumuro sa Top 2 at twice-to-beat advantage ang Converge sa pakikipagtuos nito sa naghihi- ngalong Blackwater sa 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.
Kukulo ang aksyon sa alas-5 ng hapon bago ang banggaang Phoenix (3-6) at NLEX (3-6) na hangarin namang manatili sa kontensyon sa alas-7:30 ng gabi.
Kasosyo ng Converge ngayon sa segunda puwesto ang NorthPort at Hong Kong Eastern hawak ang pare-parehong 7-3 kartada.
Sila palang ang pormal na nakapasok sa quarterfinals subalit kung magwawagi ngayon ay mapapalakas ng Converge ang tsansa sa siguradong Top-2 finish at win-once na bentahe dahil masisikwat ang No. 1 spot mula sa TNT (6-2).
Bukod doon, makakaiwas ang Converge sa karambola sa ibaba tampok ang Meralco (6-3), Rain or Shine (6-4) at Ginebra (6-4) na pare-pareho ring umiiwas sa No. 7 at twice-to-win disadvantage sa quarterfinals.
“We will control what we can control,” ani interim coach Franco Atienza na sasandal sa 103-96 panalo nila kontra sa Rain or Shine noong nakaraang linggo.
Kulelat ang Bossing sa 2-7 kartada at may maliit na tsansa pa sa playoffs kaya siguradong hindi basta-basta ibibigay sa FiberXers ang tagumpay lalo’t kagagaling lang din nila sa 96-86 panalo kontra sa Terrrafirma nitong Miyerkules.
Upang magawa ang misyon ay aasa si Atienza sa balanseng local crew nito na binabanderahan nina Alec Stockton, Justin Arana, Schonny Winston at No.1 pick na si Justine Baltazar.
Malaki ang inaasahan sa kanila upang suportahan ang import na si Cheick Diallo na makakatapat ang resident Blackwater import na si George King kasama sina Justin Chua, Christian David, Mike Ayonayon, Rey Suerte, Jadyee Tungcab at Jvee Casio.
- Latest